Thursday, July 31, 2008

PATAWAD PO AKING PANGINOON

Oh Diyos Ama ko patawarin niyo nawa ako na iyong lingkod sa aking nagawa hayag man o lihim nalalaman po ninyo ang nasa puso ko.At ang tanging nais nito ay papurihan ka sa awit at pasalamatan ka sa panalangin.Tulungan nawa ako ng iyong Espiritu sa bawat gawain na iaatang mo sakin mahal kong Ama upang magampanan ko ang mga gawain na ito ng buong sigla at lakas.Ihayag mo sakin at ipakita ang tamang daan ukol sa iyong plano para sa aking buhay.Ang buhay ko ay isinuko ko na po sa iyo upang ako'y maging kabilang sa iyong anak at kaibigan ng Panginoon.Nawa po Ama ko manguna ka po sa aking mga desisyon at salita dahil nalalaman ko po na wala akong magagawa kung hindi dahil sayo Ama ko pong nasa langit.Ibabalik ko ang lahat ng papuri sa iyong kinaluluklukan at wala akong ititira para sa akin dahil hindi po ako karapat dapat sa mga papuri nila ikaw lamang po na pinaka makapangyarihan sa lahat at lumikha ng langit at lupa ang dapat papurihan.Ito po ay dinadalangin ko sa aking Diyos Ama sa Pangalan ng aking Panginoong si Kristo Jesus na nagtubos sa aking mga kasalanan at nagligtas sakin mula sa tiyak na kapahamakan !!! Bumalik ka na nawa Panginoon kong Jesus!!! Amen!!

With Fellow Campers and our Beloved Pastor Eric Dicimulacion

With Fellow Campers and our Beloved Pastor Eric Dicimulacion

My Blog List